God is closer to the ones who doesn't close doors for Him.
Bilang isang tao, ano ang pangunahing kinakatakutan mo?
Ako, sa totoo lang, natatakot akong mamatay. Kapag iniisip ko na kung mangyayari yun, di ko maiwasang kilabutan, matakot at kabahan.. Alam ko naman lahat tayo dadaan dun pero xempre di natin alam anung mangyayari sa susunod kapag nalibing na tayo, iniwan na tayo dun sa libingan natin. Yung tipong, tatabunan tayo ng lupa, diba nakakatkot? Ikaw ba, naisip mu na yun? May tao kayang di takot mamatay? Sa tingin ko meron, yun ung mga taong sabi nga ng iba, HALANG ang kaluluwa. Yan yung mga taong kriminal, yung pumapatay, yung mga makasalanan, yung nagpapa-abort, yung mga nagda-drugs, yung mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, yung mga mapalinlang, yung mapang-api, yung mga homosekswal,yung mga sakim, yung mga gahaman, yung walang sinasamba, yung walang pinapaniwalaang Diyos. Mga taong walang magawa kundi gumawa ng masama.
Di ba nila iniisip ano magiging kahihinatnan ng mga pinaggagawa nila? Di ba sila natatakot na mapunta sa impyerno? Di ba nila alam na mas magdudusa sila kapag namatay sila at napunta dun? Di talaga nila alam kasi wala silang kinakatakutan.
Natatawa ako minsan kasi bakit pa kelangang gumawa ng kasamaan ang ibang tao?
Di ba nila kayang maging mabuti na lang?
Bakit pa kailangang pumatay?
Bakit pa di makunteto sa anong meron sila, bakit pa kailangang mangurakot?
Bakit kailangang i-abort yung batang nasa sinaopupunan nila? Kasalanan ba ng batang nasa loob yun kung bkit siya nabuo?
Bakit pera na lang lagi ang pinapahalagahan ng karamihan?
Bakit pa kailangang gumastos ng limpak-limpak na salapi para mapalitan lang ang kasarian? Bakit kailangang maki-uso sa iba?
Bakit kailangang i-daan sa droga ang problema e kung kaya namang ayusin to at pwedeng humingi ng tulong sa Itaas?
Bakit kailangang pairalin ang pride at magkapatawaran na lang?
Bakit ba kailangang manlamang ng kapwa?
Bakit pa kailangang manakit at mantapak ng kapwa?
Bakit kailangang maging sakim ang iba para lamang sumaya sila?
Bakit ba? Di ko maintindihan!!!
Naaawa ako sa mga taong ganun. Mas iniisip nila ang buhay dito sa daigdig. Ang mga nangyayari dito sa mundo ay pawang mga pagsubok lang na ibinigay sa atin ng Lumikha. Sinusubukan Niya kung magagawa ba natin ang ating tungkulin sa Kanya, kung magagawa natin ang mga nais Niya, kung magiging isang mabuti tayo sa kabila ng mga tukso dito sa mundo, kung mananalig tayos a oras ng kagipitan at kung maniniwala tayo sa Kanya at wala ng iba.
Napapansin ko na sunud-sunod na mga kalamidad sa mundo, sunud-sunod na mga lindol, mga bagyo, mga krimen. Guguho na ba ang mundo? Naniniwala kayo sa 2012? Ako, HINDI e. Di ako naniniwala na may mga taong kayang hulaan ang mangyayari sa hinaharap. Ang Lumikha lang ang nakakaalam kung kelan Niya gagawin yun. Pero bilang isang nilikha Niya, isipin mo ng gumawa ng kabutihan, gawin ang tungkulin sa Kanya at manalig!
Wag sanang dumating ang araw na ang mga kasinungalingan ay maging katotohanan, ang kasalanan ay maging tama sa mata ng tao, ang pait sa puso ay maging pag-ibig, ang mga homosekswalidad ay tanggap na sa lipunan at higit sa lahat maging dominante ang kasamaan sa kabutihan.
Iba-iba man ang relihiyon natin, mapa-Muslim, mapa-Kristiyano o Katoliko ka, naniniwala tayo sa Lumikha, Siya ang Makapangyarihan, Siya ang nakakaalam ng lahat. Siya ang dapat na pinaniniwalaan. Sa Kanya ka manalig..
May panahon pa diba para magbago, may panahon pa para gawin natin ang tungkulin natin sa Kanya. Kung malaki man ang nagawa mo, mapapatawad ka pa Niya. Habang maaga pa, magbago ka na! Labanan ang mga tukso..
God is greater than our weakness. In fact, our weakness reveals how great God is..
Let's all hope for the best! Get up and do something beautiful!